…of struggles amid contradictions

Just another WordPress.com weblog

You will always be remembered, Ka Bel

Tuloy ang Labang nasimulan mo, Ka Bel


Shock and grief enveloped the country Tuesday morning upon learning on the untimely death of Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran. News Reports said that he suffered four cardiac arrests as he was being rushed to a hospital after falling off a ladder.
A great loss to many, Ka Bel’’s advocacies and struggles for the marginalized and the oppressed will forever be etched in the hearts of the Filipinos.
Farewell, Ka Bel. Padayon!

Huwag Mong Isiping ang Iyong Pagyao’y Di Paglisan ng Isang Bayani
Ni: Alexander Martin Remollino
Sa alaala ni Crispin “Ka Bel” Beltran, lider-manggagawa,

Maramot sa liwanag ang araw
at siya’y nagtatago sa likod ng mga abuhing ulap
nang ikaw ay iwan ng huli mong hininga.

Hindi ka nasawi sa larangan,
di-gaya ng siya mong nais.
Ngunit huwag mo sanang isiping ang iyong pagyao
ay hindi paglisan ng isang bayani,
sapagkat hanggang sa huli mong hininga,
may ligtas na pahingahan sa iyong puso’t isip
silang nagpapagal
upang bigyan ang bansa’t ang buong daigdig
ng bubong na masisilungan, kalasag
laban sa dahas ng unos at lupit ng araw.
Hanggang sa kahuli-hulihang sandali,
ang bawat tibok ng iyong puso ay laan
sa kanilang nagbabaon ng mga pako sa kahoy at kongkreto
upang itindig sa lupa ang mga tahanan.

Ikaw ay bayani,
kaya’t nauukol na mabuhay nang walang hanggan
sa pambansang alaala
upang maging tanglaw sa umagang makulimlim
at sa gabing walang buwan at bituin.

***Parangal para sa isang Dakilang Bayani, Crispin “Ka Bel” Beltran Mag:Net Cafe, Katipunan. May 26, 2008. 7pm

**poster c/o concabrera

No comments yet »

Your comment

HTML-Tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>